KINALAMPAG | Mga magsasaka, pinabibigyan ng subsidiya

Manila, Philippines – Kinalampag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang pamahalaan na bigyan ng subsidiya ang mga magsasaka kasunod na rin ng epekto ng TRAIN law.

Ito ay dahil tumaas ng piso ang kada kilo ng produksyon ng palay mula nang ipatupad ang tax reform.

Inirekomenda ni Zarate sa pamahalaan na maaaring kunin ang subsidiya kung itataas ang buying price ng palay ng mga lokal na magsasaka mula sa kasalukuyang 17 pesos.


Hindi aniya totoo ang posisyon ng NEDA na magreresulta sa inflation kung itataas ang buying price ng NFA dahil ito ay titiyak lamang na magiging competitive sa merkado ang NFA rice at sisiguro na palaging may mabibiling murang bigas sa merkado.

Facebook Comments