Manila, Philippines – Kinondena ng mga student journalists sa UP Diliman ang pagkadiskuwalipika ng Board of Judges ng College of Mass Communication sa dalawang Collegian writers
Sa ginagawang pagpili ng bagong editor-in-chief of Philippine Collegian, ang pahayagang pangkampus ng UP Diliman .
Nag-ingay at nagladlad ng mga banner ang mga estudyanteng mamahayag sa harap ng Plaridel hall para tuligasain ang isa na namang atake umano sa freedom of the press
Ayon kay outgoing Editor in Chief Sonny Afable, hindi isinama sa competetive exams sina Marvin Ang, manunulat sa Kultura at Malikhaing Pagsulat Richard Cornelio, features writer dahil umano sa kabiguan makatugon sa residency requirement
Sinabi ni Afable na kauna unahan ito para sa isang radical student paper na ang selection process ay ibinatay sa loose technicalities.
Isa itong malinaw na pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag dahil nawawalan ng karapatan ang mga tunay na may kakayahan at kapasidad na pangasiwaan ang isang pinakamatandang pang kampus na pahayagan sa bansa.
Maari din aniyang maging chilling effect ang nangyaring ito sa iba pang campus publication sa bansa.