KINONDENA | Liderato ng LP, umaasang hindi mabibilang sa mga kaso ng death under investigation ang pagpaslang kay Fr. Ventura

256

Manila, Philippines – Nagpahayag ng mariing pagkondena si Liberal Party o LP president Senator Francis Pangilinan sa pagpaslang kay Fr. Mark Ventura na binaril ng dalawang di pa nakikilalang salarin matapos niyang magdaos ng misa sa Gattaran, Cagayan.

Panawagan ni Pangilinan sa mga otoridad, hulihin at usigin ang mga pumatay kay Fr. Ventura sa lalong madaling panahon.

Giit ni Pangilinan, hindi dapat ituring sng pagkamatay ni Fr. Ventura na isa lang sa mga deaths under investigation kung saan hindi napapanagot ang mga may sala.

Diin ni Pangilinan, ang walang-hiyang pag-atake kay Fr Ventura ay wala dapat puwang sa ating lipunan at sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Facebook Comments