KINALAMPAG | Pagpapalawak ng irigasyon, ipinag-utos ng isang kongresista sa DA, NIS

Manila, Philippines – Kinalampag ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles ang Department of Agriculture o DA at National Irrigation System o NIS na palawakin sa dalawang milyong ektarya ang patubig sa lupang sakahan sa bansa.

Ito ay para matiyak ang rice security o seguridad ng suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay Nograles, dapat na magtulungan ang DA at NIS sa maayos na irigasyon ng lupang sakahan upang matiyak din ang mataas na kita at ani ng mga magsasaka.


Ang DA ay nasa 1.2 milyong ektaryang lupain ang napapatubigan ang ginagamit sa pagsasaka ng palay sa Pilipinas habang ang NIS naman ay nagbibigay ng irigasyon sa 50% ng mga sakahan.

Ang bawat isang Pilipino naman ay kumukunsumo ng 111.6 kilo ng bigas kada taon.

Dagdag pa ni Nograles, higit na kailangan ng mga magsasaka ang suporta mula sa gobyerno gaya ng libreng irigasyon dahil mabilis ang pagtaas sa pangangailangan ng bansa sa mas maraming bigas kaya dapat long-term ang solusyon para dito.

Facebook Comments