BUY-BUST | High value target personality patay, 2 huli sa operasyon sa Laguna

Laguna – Patay ang isa sa high value target ng Laguna habang arestado ang dalawa pa matapos ang ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Calamba City Laguna kagabi.

Kinilala ang nasawing high value target ng Laguna na si Deticio Ponciano alyas Potpot.

Habang ang dalawang naaresto ay kinilalang sina Elmer Llarena 40-anyos at Eunice Kapunitan 23-anyos.


Ayon kay CALABARZON Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas-8:52 ng gabi kagabi nang isagawa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng Calamba City Police Office sa Sitio Pianson Barangay Barandal Calamba City, Laguna.

Narekober sa pinangyarihan ng buy-bust operation ang isang baril at apat na sachet ng shabu.

Facebook Comments