KINANTYAWAN | White December ouster plot, desperadong hakbang ng AFP ayon sa MAKABAYAN

Manila, Philippines – Kinantyawan ng MAKABAYAN Bloc ang pinalulutang na White December Ouster Plot laban kay Pangulong Duterte.

Ito ay matapos aminin ng AFP na walang banta sa pinalalabas na Red October dahil naurong umano ang destabilisasyon sa Pangulo sa Disyembre.

Naniniwala sila Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Gabriela Partylist Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas na desperadong hakbang lamang ito ng gobyerno para pagtakpan ang mga palpak at problemang kinakaharap ng administrasyon.


Sinabi nila de Jesus at Brosas na nagiging fictional writers na ang AFP para lamang maipilit ang gawa-gawang destabilization plot laban sa Pangulo.

Giit ng mga kongresista, nasasayang lamang ang intelligence fund ng gobyerno dahil sa mga maling impormasyon na dapat sana ay ilaan na lamang sa mga programa para labanan ang mataas na inflation.

Para naman kina Tinio at Elago, malinaw na ang objective ng pinapalutang na destabilisasyon laban sa gobyerno ay para ma-justify ang red tagging at pagtugis sa mga estudyante, aktibista at kritikal sa pamahalaang Duterte.

Facebook Comments