Kasama ni Sharon Andreas Lumpias, program officer for Education ng Australian si ARMM Education Sec. Dr. John Magno at iba pang mga opisyales mula sa central at regional office ng Department of Education (DepEd) sa pagbisita sa BRAC Learning Center sa Sitio Lenilitan, Brgy. Borongatan, Upi, sa lalawigan ng Maguindanao.
Ang BRAC Learning Centers ay nagbibigay ng basic formal education sa mga bata sa liblib at mahihirap na komonidad sa ARMM gamit ang alternative delivery model.
Ang learning center sa Sitio Lenilitan ay nagki-cater ng mga batang Teduray nay limitado ang access sa public school facilities.
Ang BRAC Philippines ay nakapagtatag ng 2,108 learning centers sa iba’t-ibang panig ng ARMM simula noong 2012, pinupunan nito ang pangangailangang pang-edukasyon ng mahigit 60,000 bata.
Napag-alaman na sa taong 2018, isasalin na sa DepEd-ARMM ang pamamahala at operasyon ng lahat ng BRAC learning centers. (photo credit: bpiarmm)
Kinatawan ng Australian embassy, binisita ang BRAC Learning Center sa Maguindanao!
Facebook Comments