KINATAWAN NG PALANAN, PANALO NATIONAL GAWAD SAKA AWARD

auayan City, Isabela – Mula sa isang maliit na bayan, isang simpleng mangingisda ang nagbigay karangalan sa lalawigan ng Isabela nang manalo ito sa Gawad Saka Awards ng Department of Agriculture.

Nangibabaw sa lahat ng entries sa buong bansa si Romar Del Rosario ng Brgy. Didadungan, Palanan, Isabela nang siya ang tanghaling Outstanding Fisherfolks captured category.

Ang determinasyon at walang humpay na pagsisikap para mapabuti ang kalagayan ang nakita ng mga hurado para tanghaling natatanging mangingisda si Del Rosario sa buong bansa sa kinabibilangang kategorya.


Kinilala din ang pagsisikap ni Del Rosario na makatulong sa kanyang nasasakupan.

Bilang isang lider sa kanilang komunidad, siya ay masigasig na lumahok sa pangangalaga at pagpapa unlad sa pangisdaan.

Tumutulong din si Del Rosario sa pagpapatupad sa pangangalaga sa yamang tubig.

Nagbigay din siya ng mga suhestiyon para sa lalo pang pagpapabuti sector ng pangisdaan.

Ginanap ang parangal sa punong tanggapan ng Department of Agriculture sa Quezon City sa pamamagitan ng virtual ceremong.

Tatangap si Del Rosario ng trophy, certificate at cash prize na 250,000 pesos.

Facebook Comments