Manila, Philippines – Muling haharap ang mga kinatawan ng Pilipinas sa United Nation Human Rights Council sa September 22, 2017 sa Geneva, Switzerland.
Dito pormal na ipapaalam ng Pilipinas kung tinatanggap nito ang mga panukala ng konseho na una nang umapela na itigil na ang Extra Judicial Killings sa bansa.
Panukala rin noon ng Spain, Cuba, Costa Rica at Australia ang pagpapalakas sa human rights.
Giit naman ni Commission on Human Rights Commissioner Karen Gomez Dumpit, kahihiyan para sa bansa ang isang libong budget para sa CHR.
Aniya, inaasahang tututukan rin sa universal periodic review ng Pilipinas ang patuloy na patayan sa kabila ng babala ng UN.
Gayunman, sinabi ni Dumpit na tiwala pa rin silang maaaprubahan ang higit 600 milyong pisong budget para sa CHR.
Kinatawan ng Pilipinas, muling haharap sa United Nation Human Rights Council sa sususnod na linggo
Facebook Comments