KINATIGAN | Appropriations Chairman Karlo Nograles, pinaboran na rin ang realignment sa budget

Manila, Philippines – Kinatigan pa rin ni House Appropriations Chairman Karlo Nograles ang ginawang re-alignment sa P51.792 Billion na pondo sa 2019 budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kahit pa hindi siya ang nag-sponsor ng proposed 2019 national budget sa plenaryo ng Kamara.

Ayon kay Nograles, tama ang desisyon ng Committee of the Whole na i-realign ang nasabing pondo dahil nabenepisyuhan ang mga ahensyang nabawasan ang alokasyon sa ilalim ng cash based budgeting system.

Aniya, ang bagong Committee Report ay mas maayos na bersyon dahil tumutugon ito sa mga nakaltas na pondo mula sa SUCs, maging sa mga ahensya gaya ng DepEd at DOH.


Pinasinungalingan din ni Nograles ang akusasyon na ang realigned amount na ito ay maituturing bilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Imposible aniya na may naisingit na pork barrel lalo pa kung ang National Expenditure Program (NEP), na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa kongreso, ay nagmula mismo sa executive branch.

Facebook Comments