Manila, Philippines – Kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng 28 retiradong mahistrado ng Court of Appeals (CA) na mabayaran sila ng gobyerno sa kanilang back wages sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL).
Sa desisyon ng Supreme Court (SC), inatasan nito ang Department of Budget and Management (DBM) na mag–isyu ng Special Allotment Release Order o SARO para sa 28 retiradong CA Justices.
Aabot sa 23 million, 25 thousand pesos ang kabuuang retirement gratuity at differential sa ilalim ng Salary Standardization Law package 2 noong 2007 at SSL–3 noong 2011, ang hinahabol ng Association of Retired Court of Appeals Justices sa pangunguna ni Justice Teodoro Regino.
Una ng tumanggi ang DBM na bayaran ang rate adjustment ng mga nagretirong CA justices sa katwirang dapat magmula sa Judiciary Budget ang ibabayad.
Subalit iginiit ng Supreme Court (SC) na ang tinutukoy ng Budget Department ay ang budget para sa allowances ng mga Associate Justices at hindi ang salary adjustment.