KINATIGAN | General tax amnesty ng TRAIN Law, aprubado na sa komite sa Kamara

Manila, Philippines – Kinatigan na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang magbibigay ng general tax amnesty o yung tinatawag na Part B ng Tax Reform for Acceleration and inclusion o TRAIN Law.

Sakop ng pagbibigay ng amnestiya ang lahat ng internal revenue taxes mula sa taong 2017 pababa maliban na lamang sa estate tax, value added tax at estate taxes na kinokolekta ng Bureau of Customs (BOC).

Sa ilalim ng substitute bill, ang taxpayer na nais makakuha ng amnestiya ay may opsyon na magbayad ng 8% ng kanyang net worth o sampung libo hanggang sampung milyong piso depende sa taxpayer classification.


Sa ganitong paraan ay ginagawang simple ng general tax amnesty ang pagpapataw ng buwis.

Layunin din nito na maiwasan ang katiwalian at mapataas ang koleksyon ng pamahalaan.

Mababatid na sinabi noon ni House Minority Leader Danilo Suarez na umabot sa ₱6 billion ang kita na nakuha ng gobyerno mula sa naunang tax amnesty law.

Tinututukan naman ni House Speaker Gloria Arroyo ang hakbang na ito ng Duterte administration na bahagi ng priority measure ng pamahalaan.

Facebook Comments