Manila, Philippines – Kinatigan na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na nagtataas sa excise tax sa tobacco products.
Sa inaprubahang panukala, tataas sa P2.50 kada taon ang presyo ng kada pack ng sigarilyo mula July 2019 hanggang 2022.
Dahil naman sa umiiral na kasalukuyang TRAIN LAW, sa 2019 ay tataas ang presyo sa kada pakete ng sigarilyo mula P30 ay magiging P35.
Sakali namang maging batas ang dagdag na excise tax sa tobacco products ay magiging P37.50 ang kada pakete ng sigarilyo dahil sa dagdag na P2.50 na buwis sa kada taon.
Bunsod nito, pagsapit ng 2020 ay magiging P40 na ang magiging presyo ng yosi kada pakete, P42.50 sa 2021 at P45 sa 2022.
Ang makokolektang kita mula sa tobacco excise tax ay mapupunta din sa pagpopondo sa Universal Health Care Act.