KING CHARLES, BUMISITA SA AUSTRALIA

Bumisita si King Charles sa Australia nitong Linggo at dumalo sa St Thomas’ Anglican Church, kung saan ipinahayag niya ang kanyang malaking kagalakan sa pagbabalik sa bansa.

Daan-daang tao ang nagtipon, masiglang hiyawan at nagwagayway ng mga watawat bilang pagsalubong kay King Charles.

Isang tagahanga naman muka sa Melbourne na si Lynton Martin, ay nagbiyahe ng siyam na oras para lamang makita ang hari at muling maranasan ang saya na naramdaman niya sa koronasyon ni Charles sa London noong nakaraang taon.


Sa loob ng simbahan, nanalangin si Bishop Christopher Edwards para sa kapayapaan at hiniling na maging matagumpay ang nalalapit na summit ng Commonwealth sa Samoa.

Facebook Comments