Manila, Philippines – Kinilala ni dating Secretary Bong Go ang kahalagahan ng media sa patuloy na pagtulong sa mga nangangailangan bukod pa sa pagpapaalam sa publiko ng mga impormasyong dapat malaman.
Malaki ang naging papel ng media para malaman niya ang mga hinaing ng mamamayan at para maiparating sa publiko ang mga impormasyong mula sa gobyerno na makapagbibigay solusyon sa mga problema ng bayan.
Sinabi ni Go, marami siyang nalaman mula sa mga mamamahayag tulad ng hinaing ng publiko ukol sa kalusugan kaya nabuo ang proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatatag sa mga Malasakit Centers na one stop shop para makatulong sa mga may sakit na Pilipino.
Nagpasalamat din ito sa media sa paggising sa kanya araw-araw na nagsisilbing pagpapaalala na marami pa siyang dapat gawin para sa mamamayan.
Tiniyak din naman nito na magpapatuloy ang pakikipagtulungan niya sa media upang maiparating sa publiko ang tamang impormasyon mula sa Pamahalaan.
Pero binanggit din naman ni Go na nabiktima siya ng fake news pero kinikilala baman nito ang kontribusyon ng media sa pagtataguyod sa freedom of speech.