Kinita ng Mother’s Day vlog ni Ivana Alawi, mapupunta sa charity para sa mga single parent

68

Mapupunta sa isang charity para mga single mom ang kinita ng model at YouTuber na si Ivana Alawi sa vlog nito para sa Mother’s Day.

Ayon kay Ivana, kahit tapos na ang araw para sa nanay, maigi pa ring bigyan ang mga ito ng pagkilala lalo na ang mga single parent.


Suportado naman ng mommy ni Ivana na si Mama Alawi ang desisyon ng dalaga.

Matatandaang maliban sa sexy at funny image ni Ivana, kilala rin ito sa pagtulong sa nangangailangan kung saan kamakailan lamang ay nag-trending ang pagpapanggap nito bilang pulubi para makatulong.

Sa ngayon, mahigit 13 million na ang subscribers ni Ivana sa YouTube kung saan mayroong 1.3 million views ang Mother’s Day vlog nito.

Facebook Comments