Mga Bakunang Binili ng PLGU Isabela, Darating na sa July 2021

13

Cauayan City, Isabela- Darating sa buwan ng Hulyo 2021 ang mga bakuna kontra COVID-19 na binili ng Provincial Government ng Isabela.

Partikular ang Novavax, Astrazenica at Sputnik V mula sa mga pharmaceutical company sa ibang bansa.


Sa panayam ng iFM Cauayan kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, sinisiguro ng pamahalaan na ang mga biniling bakuna ay mapapakinabangan ng mga Isabeleños.

Kasama rin aniya sa pagdating ng bakuna sa Hulyo ang mga binili naman ng Local Government Units para sa kanilang mga residente.

Samantala, kinumpirma ni Binag na naturukan na ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga Senior Citizen.

Tiniyak umano ni Governor Albano na kailangang mabigyan ng sapat na gamot ang mga Isabeleños para masigurong ligtas anumang banta ng sakit.



Facebook Comments