Manila, Philippines – Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpaslang kay Judge Edmundo Pintac ng Ozamiz City Regional Trial Court Branch 15.
Ayon kay CHR spokesperson, Atty Jacqueline De Guia, itinuturing ng CHR na isang dagok sa hudikatura ang pamamaslang dahil naghahatid ito ng takot sa paglalabas ng tunay na tinig ng hustisya sa bansa.
Sinabi pa ni De Guia na isang kawalan ang ganitong mga pagkamatay ng mga miyembro ng judiciary sa gitna ng napakababang bilang ng mga drug cases na umuusad sa mga korte.
Tiniyak ni De Guia na magsisiyasat ang CHR para mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Sisilipin ng CHR kung may kaugnayan sa pagpatay kay Judge Pintac ang paghawak niya sa mga kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition at Possession of Dangerous Drugs Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog.