KINONDENA | Pag-aresto sa 4 na dating kongresista, kinondena ng Makabayan

Manila, Philippines – Kinondena ng Makabayan bloc sa Kamara ang pagpapaaresto ni Palayan RTC Judge Evelyn Atienza-turla sa apat na dating makakaliwang kongresista dahil sa kasong double murder.

Kinondena ng 7 miyembro ng Makabayan bloc ang pagbaligtad ni Judge Atienza-Turla sa nauna nitong ruling na walang probable cause sa kaso laban kina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Teddy Casino, dating Gabriela Rep. at ngayon ay National Anti-poverty Commission Secretary Liza Maza at Dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Kung masusunod umano ang dating ruling ng hukom ay dapat iniutos nito ang pagbabasura ng kaso dahil sa kawalan ng ebidensiya.


May hinala naman ang grupo na ang Duterte administration ang nasa likod nito.

Hinamon ng Makabayan si Pangulong Duterte na tigilan ang ganitong pag-atake sa oposisyon at utusan nito ang Department of Justice na iatras na ang kaso laban kina Ocampo.

Sina Ocampo, Casino, Maza at Mariano ay inaakusahang mga opisyal ng CPP-NPA na nagpapatay ng dalawang indibidwal noong 2003 at 2004 para masiguro ang tagumpay ng Bayan Muna.

Facebook Comments