Manila, Philippines – Kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang serye ng pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa harap ng sarili nitong deklarasyon ng tigil pitukan.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, wala ng saysay na makipag-usap pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.
Aniya, mapanlinlang ang rebeldeng grupo dahil kunwari ay gustong makipag-usap sa pamahalaan pero binabakbakan naman ang mga puwersa ng militar at kapulisan.
Sa ngayon ayon kay Año mas tututok sila sa localized peace talks dahil direktang makakausap ang mga local chief executives at mismong mga rebelde sa lugar.
Nauna rito, inatake ng NPA ang police station sa Magallanes, Sorsogon na ikinasugat ng isang sibilyan at tatlong pulis.
Mismong iniutos din ng CPP sa armed wing nito na paigtingin ang mga pag-atake sa mga government forces bilang tugon sa one-year extension ng martial law sa Mindanao.