KINONDENA | Pag-uugnay sa mga unibersidad sa Red October, pinalagan ng mga militanteng mambabatas

Manila, Philippines – Mariing kinukundena ng mga militanteng mambabatas ang pag-uugnay ng AFP sa 18 unibersidad sa RED October.

Batay sa alegasyon ng AFP, nagre-recruit umano ang mga myembro ng Communist Party of the Philippines ng mga estudyante sa mga unibersidad para sa pagkakasa ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte.

Giit ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao, malinaw na pilit inililihis ng gobyerno ang mga problema ng bansa tulad ng lumalalang krisis sa ekonomiya.


Para naman kay Kabataan Rep. Sarah Elago, masyadong fixated o nakatuon ang AFP sa pag-uugnay sa mga unibersidad sa Red October.

Duda pa si Elago sa timing ng sunud-sunod na bomb-threat sa mga kilalang pamantasan na agad na sinundan ng paratang ng AFP na may kaugnayan sa mga komunista.

Aniya, ang mga pagkilos at ipinaglalaban ng mga estudyante tulad ng libreng edukasyon, genuine agrarian reform, pagbaba ng presyo ng mga bilihin at serbisyo ay lehitimong dahilan at hindi pwede ikabit sa pagpapatalsik sa Pangulo.

Sa halip na tugunan ang mga problemang ito ay lumilikha pa ng takot at pangamba sa mga estudyante ang pamahalaan.

Facebook Comments