KINONDENA | Pagpapa-enroll sa Saturday Classes, ginagawa nang sapilitan para pagtakpan ang kakulangan ng DepEd

Manila, Philippines – Kinondena ng grupo ng mga guro ang sapilitang pagpapa enroll sa mga mag aaral sa Saturday classes at Home Study Module upang pagtakpan ang congestion o kakulangan pa rin ng silid aralan sa pagbubukas ng klase sa Lunes.

Sa isang News Forum, sinabi ni Raymond Basilio, Secretary General ng Alliance of Concerned Teachers o ACT Philippines na ang ganitong Alternative Learning module ay dapat ay optional lamang.

Tinukoy dito ang mga espesyal na kondisyon tulad ng kung ang estudyante ay nagtatrabaho habang nag aaral.


Magpapababa Aniya ito sa kumpiyansa ng bata dahil magmumukha siyang may kakulangan.

Ayon sa ACT, may holding area ang mga eskwelahan kung saan inihihiwalay ang mga estudyante na sapilitang pinage-enroll sa Saturday Classes.
Dobleng pasanin aniya ito sa mga guro dahil ipapasan sa kanilang balikat ang paggawa ng module dito dahil walang kinuhang bagong guro na gagawa nito.

Facebook Comments