PINUNA | Sen. Aquino, Binatikos Ang Pahayag ni Sec. Diokno na hindi dapat maging iyakin ang mga Pilipino

Manila, Philippines – Hinahanap ngayon ni Senator Bam Aquino ang malasakit ng gobyerno sa taumbayan.

Ito ay makaraang sabihin ni Budget Secretary Ben Diokno na hindi dapat maging iyakin ang mga Pilipino sa gitna ng tumataas na presyo ng petrolyo na humahantong sa pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.

Paliwanag ni Aquino, ang may kaya o nakakaangat sa buhay ay kakayanin pang matiis ang taas-presyo ng bilihin pero hindi ang mga mahihirap.


Bunsod nito ay umaapela si Aquino sa pamahalaan na tulungan na lang ang mga mahihirap na Pilipino sa halip na sumbatan.

Punto ni Aquino, halos 7.4 milyong maralitang pamilya pa ang hindi nakakatanggap ng cash transfer na ayuda sana sa kanilang hanay sa gitna ng tumataas na presyo ng bilihin.

Facebook Comments