KINONDENA | Pagpapatalsik kay Maria Lourdes Sereno bilang Supreme Court Chief Justice, inalmahan ng HRW

Manila, Philippines – Kinondena ng Human Rights Watch (HRW) ang pagpapatalsik ng Supreme Court kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paglalarawan ng grupo – “unprecedented at nefarious” ang ginawa sa punong mahistrado.

Ayon kay HRW Asia Division Researcher Carlos Conde – nasagasaan ng pagkakasibak ng SC kay Sereno ang democratic rule ng Pilipinas.


Giit ni Conde, si Sereno ang panibagong biktima ng humahabang listahan ng mga institusyon at indibidwal na sinisiraan ng Administrasyong Duterte.

Magbubukas din aniya ito ng posibilidad na pagsibak sa iba pang opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments