KINONDENA | Paring nagbirong ipagdarasal na magkasakit si PRRD, pinagbibitiw

1520

Manila, Philippines – Pinagbibitiw ni Presidential Spokesman Harry Roque ang isang pari na nagbirong ipinagdadasal niya na magkasakit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, hindi gawain ng isang Kristiyano na magdasal para magkasakit ang isang tao.

Dagdag pa ni Roque, mukhang hindi daw alam ng paring si Father Noel Gatchalian kung ano ang salitang pananampalataya.

Nabatid na inihayag ni Father Gatchalian sa misa sa Senado para kay Senador Antonio Trillanes ang kanyang masamang biro laban sa Pangulo.

Sa biro ng pari, sinabi din nito na tutal pagod na si Pangulo ay magpahinga na lamang ito.

Facebook Comments