NBA | Stephen Curry, target na maka-3 peat

Inamin ngayon ni Golden State Warriors Star Stephen Curry na hangad ng kanilang koponan na masungkit ng three peat sa susunod na season ng NBA.

Kwento ni Curry sa mga Pinoy fans, paghahandaan nila ang nalalapit na season ng NBA kung saan aminado siya na mahirap ang kanilang pagdadaanan para makasungkit ng ikatlong sunod na kampeonato.

Ayon kay Curry, pambihira ang pagkakataon na makuha ang NBA grandslam pero ito daw talaga ang target ng warriors.


Aminado din si Curry na lalo pang tumindi ang kompetisyon at high level game sa NBA kaya naman kinuha nila sa offseason si Demarcus Cousin.

Excited na din siya sa western conference matapos kunin ng lakers si NBA superstar LeBron James.

Muling makikita ng mga Pinoy fans si Curry sa opening ceremony ng UAAP.

Facebook Comments