Manila, Philippines – Mariing kinontra nina senate minority Leader Franklin Drilon at Liberal Party President Senator Francis Kiko Pangilinan ang posibleng pagpapalawig muli ng umiiral na martial law law sa buong Mindanao.
Si Senator Drilon, walang nakikitang basehan para ito ay gawin.
Paliwanag naman ni Pangilinan, walang pahiwatig na mayroong aktwal na pagsalakay o paghihimagsik noon o ngayon na syang maaring batayan ng martial law base itinatakda ng ating Saligang-Batas.
Giit pa ni Pangilinan, ang extension ng batas militar ay salungat sa pag-usad ng mga pagsisikap para makamit ang kapayapaan sa mindanao tulad ng pagpasa sa Bangsamoro Organic Law.
Facebook Comments