Manila, Philippines – Mariing kinontra ng Palasyo ng Malacañang ang pahayag ni dating Presidential Spokesman Secretary Edwin Lacierda na ang pagbibigay ng amnesty ni dating Defense Secretary Voltaire Gazmin kay Senador Antonio Trillanes IV ay saklaw parin ng kwalipikadong Political Agency.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, base sa isang Jurisprudence ng Korte Suprema sa kasong Angeles vs Gaite na ang mga kalihim ng mga departamento ng Pamahalaan ay maaaring magpatupad ng ilagn kapangyahiran nito sa ilalim ng batas pero hindi nito maaapektuhan ang constitutional power of control at kautusan ng Presidente ng bansa.
Malinaw din aniya na sa desisyon ng Korte Suprema may ilang constitutional powes and prerogatives ang Pangulo ng bansa na kailangan niyang personal na ipatupad kahit walang ratification ng iba.
Kaya naman dahil aniya dito ay ang kapangyarihan na makapagloob ng amnesty tulad ng pagbibigay ng pardon ay kailangang ipatupad ng presidente ng bansa ng personal at hindi ng sino pa man.