KINONTRA | Oposisyon ni dating Sen. Bongbong Marcos sa paggamit ng ballot images sa recount, kinontra ng Robredo camp

Manila, Philippines – Naghain sa Korte suprema ng counter manifestation ang kampo ni Vice President Leni Robredo

Ito ay bilang pag-kontra sa oposisyon ni dating Senador Bongbong Marcos sa paggamit ng decrypted ballot images para sa recounting ng boto sa mga nabasang balota.

Una kasing iginiit ni Marcos na nakompromisio na ang integridad ng ballot images dahil sa nakitang mga parisukat sa halip na bilog.


Pero iginiit ni Atty. Emilio Maranyon, isa sa mga abugado ni robredo na na matagal nang sinagot ng COMELEC na kabilang sa security features ang nakitang parisukat.

Wala rin aniyang sapat na ebidensya si Marcos na nakompromiso nga ang ballot images.

Bunga nito, hiniling sa Presidential Electoral Tribunal (PET) ng kampo ni Robredo na huwag pagbigyan ang hirit ni Marcos na isantabi ang paggmit ng ballot images ng mga nabasdang balota sa pagpapatuloy ng -recount ng mga boto.

Facebook Comments