MAGBUBUKAS NA | Pagbubukas ng Boracay Island sa Oktubre, tuloy na tuloy na

Aklan – Habang nagpapatuloy ang rehabilitation efforts sa Boracay, walang pahiwatig ang Department of Tourism ng possible extension at nakikita pa rin ang October 26 bilang ang itinakdang petsa para sa muling pagbubukas ng isla.

Ang pagsisikap na ibalik sa dating kondisyon o ganda ang isla ay patuloy sa ilalim ng direksiyon ng Task Force Boracay na pinamumunuan ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Gayunpaman, tanging ang mga compliant o sumusunod sa mga environmental laws ng Boracay ang papayagang magbukas.


Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, may listahan ng mga hotels na compliant sa environmental laws at tanging ang mga compliant lang ang magbubukas sa October 26.

Dalawang buwan bago muling buksan ang isla ng Boracay, 30 porsiyento lamang ng (isang libong) mga establisimiyento sa isla ang sumusunod.

Matatandaan na isinara ng gobyerno ang Boracay sa mga turista nuong April 26 upang ayusin ang sewage system at tugunan ang maraming environment-related problems.

Facebook Comments