Manila, Philippines – Kinontra ni Senator Win Gatchalian ang pangamba na maapektuhan o matatakot ang mga mamumuhunan sa oras na wakasan ang endo o kontraktwalisasyon sa bansa.
Ayon kay Gatchalian, mali na gamitin ng mga negosyante ang konsepto ng kontraktwalisasyon para makatipid.
Diin ni Gatchalian, mali at ilegal ang endo dahil ipinagkakait nito ang mga benepisyo na dapat matanggap ng mga empleyado.
Gayunpaman, ipinaliwanag ni Gatchalian na dapat ay iakma sa iba’t-ibang uri ng negosya ang polisiyang ipapatupad laban sa endo.
Paliwanag ni Gatchalian, hindi maiwasan na may mga uri ng negosyo na nangangailangan ng mga trabahador na hindi pangmatagalan o para lamang sa espesipikong haba ng taon o buwan.
Facebook Comments