Motorista, Naaksidente Dahil sa Ilang Grabang Nakakalat sa Daan!

Echague, Isabela -Naaksidente ang isang motorista sa kahabaan ng Barangay Carulay, Echague, Isabela sa oras na alas syete kagabi, ika dalawampu ng buwang kasalukuyan.

Sa impormasyong ipinarating ni Police Community Relation Officer Warlito Jagto sa RMN Cauayan, kinilala ang drayber ng motor na si Donato Liggayu ibarra, tatlumput dalawang taong gulang, may asawa at residente ng Barangay Tuguegarao, Echague, Isabela.

Ayon pa kay Superintendent Jagto, habang bumabagtas si Ibarra sa nasabing lugar partikular sa parte ng pakurbada ay aksidenteng nadulas at natumba ang motor dahil umano sa nakakalat na graba sa daan.


Sa resulta ng aksidente ay nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na kaagad namang isinugod sa Isabela Southern Specialist Hospital INC. sa Barangay Ipil, Echague,Isabela.

Facebook Comments