KINUHANAN PA NG VIDEO | 2 binatilyo, arestado matapos ireklamo ng panggagahasa ng 15-anyos na babae sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang binatilyo matapos pagsamantalahan ang isang 15-anyos na babae sa birthday party sa Quezon City.

Ayon sa ina ng biktimang hindi pinangalanan, Martes nang imbitahan ang kaniyang anak ng isa sa mga suspek na si Wilson Calupas para sumama sa isang birthday party.

Pero hindi na aniya nakauwi kinagabihan ang kaniyang anak at nalaman na lang niya kinabukasan ang sinapit nito.


Base sa medico legal na isinagawa sa dalagita, kinakitaan ng sugat at may nakuha ring semilya sa maselang bahagi ng katawan nito.

Sa kaniyang sinumpaang salaysay, sinabi ng biktima na Miyerkules ng umaga nang paulit-ulit siyang gahasain ni Mark Carlo Tayam alyas Caloy.

Isang 14-anyos na lalaki naman ang kumukuha ng video habang nanonood at patawa tawa si Calupas.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong rape at paglabag sa republic act 7620 o anti-child abuse law habang pinaghahanap na ang iba pang kasama ng mga suspek.

Facebook Comments