KINUKUMBINSI | Guban, hinihikayat ng Kamara na isiwalat na ang buong katotohanan sa drugs shipment sa BOC

Manila, Philippines – Kinukumbinsi ni Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers si dating Customs Intelligence Officer 1 Jimmy Guban na isiwalat na ang lahat ng nalalaman tungkol sa nakalusot na bultu-bultong iligal na droga sa Bureau of Customs.

Ayon kay Barbers, ito lamang ang tanging paraan kung nais ni Guban na maging state witness at mapasailalim sa Witness Protection Program ng DOJ.

Naiintindihan umano ng kongresista ang matinding pressure at banta sa buhay at pamilya ni Guban ngunit ang pagsasabi nito ng totoo at lahat ng impormasyon tungkol sa illegal drugs shipment sa bansa ang kanyang paraan para mabigyan ng proteksyon.


Sinabi pa ni Barbers na inamin na rin lang ni Guban na siya ang nagfacilitate sa pagpapalusot ng iligal na droga ay dapat sabihin na rin nito kung sino ang dayuhang sindikato na nasa likod ng iligal na droga sa MICP at sa Cavite gayundin ang local counterparts ng mga ito at ang kanilang modus operandi.

Bagamat maituturing umanong vital witness si Guban ay aminado naman si Barbers na nakukulangan pa sila sa mga impormasyon na binibigay nito.

Samantala, magkakaroon pa ng isang pagdinig ang Kamara kaugnay sa mga nakalusot na iligal na droga sa ahensya.

Facebook Comments