HELICOPTER CRASH | May-ari ng Leicester City Football Club, 4 na iba pa, nasawi

Nagluluksa ngayon ang mga fans at tagasuporta ng Leicester City ng English Premier League matapos makumpirma na isa sa mga nasawi sa naganap na helicopter crash nung Sabado ay ang may-ari ng football club.

Sa isang pahayag, sinabi ng koponan na walang nakaligtas sa limang pasaherong sakay ng helicopter na nagcrash sa labas ng King Power Stadium.

Kasama na rito si Vichai Srivaddhanaprabha (SRI-VADHA-NA-PRABHA), ang chairman ng LCFC.


Nabili ni Srivaddhanaprabha ang Leicester City noong 2010 habang ang koponan ay nagtitiyaga sa second division ng English Football.

Pero malaki ang naging pag-asenso ng LCFC mula nang mabili ito ni Srivaddhanaprabha. Isa na rito ang nakakagulat na pagkampeon ng koponan sa EPL noong 2015-2016 season.

Malapit din sa puso ng mga fans ng club si Srivaddhanaprabha dahil nanlilibre ito ng beer at hotdogs sa tuwing birthday nito.

Facebook Comments