KINUMPIRMA | Brgy. Natonin Mountain Province, kasama sa listahan ng landslide prone areas – ayon sa NDRRMC

Manila, Philippines – Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Dir. Edgar Posadas na kabilang ang Brgy. Natonin Mountain Province sa listahan ng mga lugar na prone sa pagguho ng lupa o landslide batay na rin sa pagaaral ng Mines and geosciences bureau.

Kahapon kasi, natabunan ng lupa ang itinayong opisina ng DPWH sa Brgy. Natonin kung saan na trap ang 31 indibidwal.

Ayon kay Posadas, bago mag landfall ang bagyong Rosita sa Dinapigue Cagayan kahapon ay inabisuhan na nila ang lahat ng mga residente sa mga lugar na apektado ng bagyong rosita na prone sa landslide na agad na lumikas.


Giit ng opisyal hindi sila nagpabaya sa pabibigay ng abiso sa mga residente na ang lugar ay tinumbok ng bagyong rosita.

Ayaw na rin mag komento ni Posadas sa tanong kung bakit nagtayo ng opisina sa lugar ang mga taga DPWH gayung nasa landslide prone area pala ang lugar.

Pero nakasisiguro aniya syang alam ng mga ito na landslide prone area ang Brgy. natonin.

Sa ngayon, batay sa montirong ng NDRRMC 2 pa lamang ang accounted sa 31 katao na na-trap sa gumuhing gusali ng DPWH sa Natonin Mt. province.

Facebook Comments