Manila, Philippines – Kinumpirma ng Philippine National Police na may gagawing kilos protesta ang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army – National Democratic Front O CPP NPA NDF sa Metro Manila at mga malalaking siyudad sa bansa.
Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Durana, isasabay ng grupo ang kanilang gagawing protesta sa pagdiriwang anibersaryo bukas ng deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Pero tiniyak ni Durana na aarestuhin ang lahat ng miyembro ng CPP NPA NDF na may kinakaharap na warrant of arrest kapag sumama sa mga kilos protesta bukas.
May nakadeploy aniya silang intelligence operative para tumutok sa mga miyembro ng komunistang grupo na may warrant of arrest na sasama sa kilos protesta.
Tiniyak ni Durana na hanggat walang kaguluhan ay pababayaan nilang magsagawa ng kilos protesta ang mga protesters bukas.
Batay sa kanilang pagtaya aabot sa sampung libong mga protesters ang magsasagawa ng kilos protesta bukas.
Layon aniya ng grupong ito na magingay para patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrifgo Duterte na para kaya Durana ay matagal ng plano ng CPP NPA NDF.