POLICE REPORT | Kapitan sa San Jacinto tinambangan, patay!

50

San Jacinto- Patay ang Barangay Captain ng Capaoay, San Jacinto Pangasinan matapos barilin bandang alas dos ng hapon nitong nakaraang Martes, Setyembre 18. Ang biktima ay kinilalang si Edward Ronquillo, kung saan naiulat na siya’y pauwi na sakay ng kanyang motorsiklo nang bigla siyang barilin ng di pa nakikilalang suspek. Naitakbo pa ang biktima sa ospital ngunit naideklara ding dead-on-arrival. Wala pang natututkoy na motibo ang mga otoridad, at tinutugis na ngayon ang suspek.
[image: 250px-Ph_locator_pangasinan_san_jacinto.png]

Facebook Comments