KINUMPIRMA | Labor Secretary Silvestre Bello III, kinumpirmang kakaunti ang Pinoy Household Workers na nakakaranas ng pang-aabuso sa Kuwait

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kakaunti lang ng mga Pinoy Household Workers (PHW) ang nakakaranas ng pang-aabuso sa Kuwait.

Ayon kay Bello, 1.7 percent lamang ng nasa 262, 000 PHW ang nakakaranas ng pang-aabuso ng kanilang employer.

Aminado naman si Bello na mas nabibigyan pansin ang mga hindi magagandang karanasan ng mga OFW sa Kuwait kaya nagkakaroon ng maling kaisipan na sila ay minamaltrato.


Gayunman, tiniyak naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na hindi na nila hahayaan na may isang Pinoy pa ang magaya sa OFW na si Joana Demafelis na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.

Facebook Comments