Kinumpirma naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroon nang kabuuang 18 COVID-19 testing laboratories sa buong bansa.
Mahigit 43-thousand naman aniya ang isolation beds na nasa ibat ibang bahagi ng bansa.
Tiniyak naman ng opisyal na sa mga susunod na araw ay mas mahigpit nilang paiiralin ang minimum health standards para tuluyan nang mapababa ang kaso ng COVID sa bansa
Samantala, hinimok naman ng doh ang mga clinic na ipagpatuloy ang pagbabakuna sa mga bata bagamat nakatutok ang gobyerno sa paglabag sa COVID-19
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sa ngayon ay abala ang Rural Health Units sa pagtugon sa COVID patients kaya mas mainam na sa private clinics na muna pabakunahan ang mga bata.
Kapag ang bakuna aniya ay manggaging sa DOH, ang babayaran lamang ay ang administrative fee o ang consultation fee at ang serbisyo ng staff na nag-assist sa pasyente.
Sinabi ni Cabotaje na mahalaga na maging fully immunized ang isang bata.