Pulis at LGU employee, sugatan nang pagbabarilin sa Masbate matapos tumulong sa pamimigay ng SAP

Sugatan ang isang pulis at isang empleyado ng Local Government Unit (LGU) matapos na pagbabarilin sa pagitan ng Barangay Real at Barangay Rizak sa Masbate kaninang mag-alas-2:00 ng hapon.

Sa ulat ng Masbate PNP nagsagawa ng security assistance ang isang team ng mga pulis habang namimigay ng Special Amelioration Program (SAP) ang mga tauhan ng DSWD at LGU sa Brgy Rizal, Monreal, Masbate.

Pero pabalik na sila ng Police station ay isang putok mula sa sniper ang kanilang narinig at tumama sa isang pulis at LGU employee na sakay ng mga motorsiklo.


Kinilala ang sugatang pulis na si Police Corporal Romel Bartolay na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang ulo at LGU Employee na si Ricky Canares na nagtamo rin ng tama ng bala ng baril sa likod.

Agad silang isinugod sa Rural Health Unit at ngayon ay nasa ligtas ng kondisyon.

Agad namang rumesponde sa pinangyarihan ng shooting incident ang tropa ng Philippine Army.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad kung sino ang mga salarin sa nangyaring pananambang.

Facebook Comments