KINUMPIRMA | One-on-one meeting ni Pangulong Duterte kay CBCP President Archbishop Valles, tuloy na sa susunod na Linggo

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na tuloy na tuloy na ang one-on-one meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP President Archbishop Romula Balles sa susunod na Linggo.

Ito ang sinabi ni Go sa harap narin ng naging pahayag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque nang makausap nito si Papal Nuncio Gabriel Giordano Caccia.

Paliwanag ni Go, mayroong pulong ngayon ang mga obispo sa Tagaytay kaya sa susunod na linggo pa maaaring magharap ang dalawa.


Wala namang nabanggit si Go kung anong araw gaganapin ang pulong at kung saan ito magaganap.

Sinabi naman ni Secretary Roque na ngayong hapon pa niya mairereport kay Pangulong Duterte ang mga napagusapan nila ni Archbishop Caccia nang magkausap ito sa Popes Day Celebration noong nakaraang Biyernes.

Facebook Comments