Manila, Philippines – Nasabat ng pamunuan ng Bureau of Customs (BOC) ang 40-footer vans mula sa bansang China na misdeclared cigarettes and fireworks na nagkakahalaga ng P8.98 million ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Port of Manila.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña ang nasabat na container vans ay naka-consigned sa Paragon Platinum International Trading Corporation na ang opisina ay nasa unit 108, The Centennial Bldg., 375 Escolta St., Binondo Manila na ang broker ay si Bernandine Miranda ng 3034 Bagac St., Manuguit, Tondo, Manila.
Napag-alaman na dumating sa bansa ang mga kargamento ng Paragon noong February 21 at dineklara bilang brackets pero natuklasan ng mga tauhan ng Customs na ang lamang pala ng mga boxes ay pawang mga cigarettes at fireworks.
Paliwanag ni Atty. Vener Baquiran District Collector na ang halaga ng sigarilyo na smuggled ay P8.2 million habang iba pang shipment na naka-consigned sa Power Buster Marketing na may office address sa Baria Compound, Paradahan 1, Tanza, Cavite ay inalerto noong February 27 dahil sa umano’y misdeclaration at natuklasan na ang laman bg mga boxes ay fireworks sa halip na ang idineklara ay footwear.
Paliwanag ni Lapeña na ang fireworks ay itinu-turned over na sa Philippine National Police-Firearms and Explosives Office para sa proper disposition habang ang smuggled cigarettes ay nakatakdang sisirain o wawasakin.