*Cauayan City, Isabela*-Sabay-sabay na inilubog sa tubig kahapon ang mga nakumpiskang paputok mula sa mga menor de edad na pawang mga nagbebenta ng mga ito sa Lungsod ng Santiago.
Pinangunahan ni P/Lt. Col Rajan Azor Romero, Deputy Chief of Police ng Santiago City Police Office ang pagsira sa mga nakumpiskang paputok kasama ang ilang miyembro ng Bureau of Fire Protection.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLt.Col. Romero, ibinebenta ng mga menor de edad sa murang halaga ang mga paputok sa ilang lugar sa lungsod at wala mismo sa firecracker zone kung kaya’t kinumpiska ito ng mga awtoridad.
Ilan sa mga sinirang iligal na paputok ay ng Poppop, Luces Big, whistle bomb, Jr. Bawang, big fountain, color smule, batibot, happy ball, music sparkle, gold double sparkel, 5star, Elphgi, baby rocket, sparkles at smoke KTP.
Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na mangyaring bumili lang nga mga paputok sa mga lehitimong nagbebenta nito.