KINUWESTYON NA | Petisyon laban sa minority leadership, inihain sa Korte Suprema

Manila, Philippines – Kinuwestyon na sa Korte Suprema ang Minority Leadership sa Kamara.

Naghain na ng petisyon si House Majority Leader Rodolfo Fariñas na humihiling ng pagpapalabas ng status quo ante order at temporary restraining order para mapigil ang patuloy na pag-upo ni Quezon Rep. Danilo Suarez bilang Minority leader.

Respondent sa nasabing petisyon sina Speaker Gloria Arroyo, House Majority Leader Rolando Andaya Jr., at si Suarez.


Iginiit ni Fariñas na si ABS Rep. Eugene Michael de Vera ang dapat na Minority Leader dahil isa ito sa tatlo na lamang ang natira sa dating Minority bloc na hindi bumoto noon kay GMA bilang Speaker.

Malinaw din sa listahan ng bumoto kay GMA na marami ang galing sa Minorya at kasama dito si Suarez.

Ginamit din na argumento sa petisyon ang mismong jurisprudence ng Korte Suprema ang nagsabi sa Baguilat VS Alvarez case kung saan ang bumoto pabor sa Speaker ay myembro na ng Mayorya habang ang mga hindi bumoto dito ay siyang bubuo ng Minorya at sila mismo ang maghahalal ng sariling minority leader.

Hamon pa ni Fariñas na handa niyang itaya ang kanyang posisyon at nagbanta na magbibitiw sa pwesto kapag natalo ang kanyang petisyon.

Facebook Comments