KINUWESTYON | Pagkakaroon ng mga sundalo at pulis sa Senado, kinuwestyon nina Senators Recto at Escudero

Manila, Philippines – Kinukwestyon nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Chiz Escudero ang pagkakaroon ng mga sundalo at pulis sa paligid ng Senado na nakahandang umaresto kay Senator Antonio Trillanes Iv.

Diin nina Recto at Escudero, walang namang dahilan para magposte ng mga pulis at sundalo sa Senado dahil hindi naman nila maaring arestuhin si Trillanes nang walang warrant of arrest.

Katwiran pa ni Recto, kung may paglabag sa batas si Trillanes ay dapat itong kasuhan sa halip na ipawalang bisa ang amnesty na ibinigay na sa kanya.


Dagdag pa ni recto ang mahigit 14-milyong bomoto kay Trillanes noong 2014 elections ay patunay tama ang amnesty dito.

Sabi naman ni Senator Escudero, masamang tingnan at overkill ang sitwasyon dahil tila may miltarisasyong nagaganap ngayon sa Senado.

Ipinunto pa ni Escudero, na malinaw naman ang pahayag ni Trillanes na hindi ito papalag sakaling may arrest warrant ng ilabas ang korte.

Facebook Comments