Kisses Delavin, ayaw ng permanenteng ka-love team

196

Ayon sa former PBB Housemate na si Kisses Delavin, kung siya ang masusunod sa takbo ng kanyang career, ay hindi niya gustong magkaroon ng permanent love team. Noong April 24 sa set ng kanyang upcoming movie na Walwal sinabi ng aktres “Dati, ginusto ko na magkaroon ng official love team para hindi magkaroon ng bangayan sa supporters. Pero ngayon naisip ko, kahit naman may official love team, may bangayan pa rin, e.”
Dagdag pa ni Kisses, “So ano na lang… actually, anything, kung ano ang gusto ng management for me, if they say na magkaroon ako ng love team, sila naman yung nagbibigay ng work.”
Dati na niyang naging ka-loveteam ang kapwa PBB Housemate na si Marco Gallo ngunit nagkaroon ng falling out ang kanilang tambalan kaya hindi nagtagal ang dalawa. Ngayon, ipinapareha si Kisses sa dalawang aktor sa kanyang mga projects.
Sa kanyang darating na movie na Walwal at ng kanyang teleseryeng Playhouse sa ABS-CBN kasama ng young actress ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan, habang sa kanyang online show naman ay kanyang makakasama si Tony Labrusca.
Umani na ng sarili nilang fanbase ang partnership ng dalawang aktor kay Kisses. Tinatawag ang fans na DonKiss (Donny at Kisses) o kaya naman ay TonKiss (Tony at Kisses).
Noong Abril 16, nag post si Kisses ng kanyang opinyon sa nabubuong fan war sa team-ups.


Ani niya, “Hello! i believe that you won’t lose sight of the fact that I & the people I work with, are solo artists- no such thing as “official loveteam”. I trust that you know there’s no use in fighting/bashing because people i work with right now have projects soon w/ a different partner”
“We as artists are here in showbiz to inspire, make people happy, not the other way around. To make a positive effect in this world, one person at a time, that’s the best legacy we artists can leave in this industry.”

Tinanong ang aktress kung ano ang naging sanhi ng kayang twitter post, sabi ni Kisses:
“Yeah, I tweeted, talagang sobrang nasa-sad ako kasi dati, it used to be very simple. Mag-gue-guesting kami sa TV tapos yun na.Tapos parang bigla na lang, out of a sudden, marami nang nagpipit on each other kasi gusto nila ganito, ganun.”
Dagdag pa ni Kisses ay lubos siyang nalulungkot sa nangyayaring pag-aaway ng kanyang fans. Aniya, “Parang it really makes me sad kasi ang buhay, napakaikli lang so why would people waste their time, ayoko nang may mawaste na time sa kanila na sad sila.”
Nirespeto naman ng kanyang mga fans ang pahayag ng aktress sa kanyang twitter account.

Facebook Comments