Sarah Geronimo, nag-react sa isang fan na nagsabing, “Mag-asawa ka na!”

Nagkaroon ng nakakatawang moment si Sarah Geronimo sa kanyang concert sa New York noong May 6 nang sagutin niya ang isang fan na nagsabing magpakasal na raw siya.
Nangyari ito habang kinakausap niya ang fans sa isang segment ng kanyang concert. Nakuhanan sa video ang kanyang reaksyon at in-upload ng Instagram user na may handle na @roy_regina_anderson.
Pahayag ng singer-actress, “Minsan po sumasagi pa rin siya sa isip ko, the heart…”, nang may sumigaw na, “Mag-asawa ka na!”
Sagot naman ni Sarah, “Huwag po kayong ganyan! Kausapin niyo po yung nanay ko. Huwag ganyan.”
“Nagtatrabaho po ako, ma’am. Wait lang, ma’am. I’m working here. Don’t distract me, ma’am. Because I’m distract-able!
“Asan na nga ba ako? Ma’am kasi sabi ko, huwag niyo ako idi-distract.”
Komento naman ng uploader sa kanyang caption, “She is very funny! Sabi ng isang nanay magpakasal na daw sya tapos sabi nya nadistract tuloy sya! Natawa ako sa kausapin nyo po nanay ko.”

Facebook Comments