Kisses Delavin binisita ang mga nabiktima ng lindol kahapon sa Masbate

Bumisita ang 21-year-old actress na si Kisses Delavin sa Cataingan, Masbate matapos tumama ang magnitude 6.6 na lindol sa lugar.

Sa Facebook post ng isang netizen, makikita ang pagdating ni Kisses kasama ang kaniyang mga magulang para maghatid ng tulong sa mga naapektuhang residente.

Nabatid na tubong Masbate ang aktres kung saan dati siyang kinoronahan bilang Miss Masbate at Miss Kaogma noong 2016 at Miss Teen Masbate noong 2013.


Matatandaang, alas-8:03 ng umaga kahapon nang yanigin ng malakas na lindol ang Masbate na naramdaman din sa Northern Samar, Albay, at Aklan.

Facebook Comments