Kit para malaman kung may dengue ang tao, ginawa ng Pinoy scientists

Courtesy The Manila HealthTek Inc.

Sa tulong ng grupo ng Pinoy scientists, puwede nang malaman kung tinamaan ng dengue ang isang pasyente o hindi, sa pamamagitan ng binuo nilang diagnostic kit.

Ginawa ng kompanyang Manila Health Tek, isang research and development firm, ang nasabing diagnostic kit, na kinomisyon ng Department of Science and Technology (DOST).

Kalakip ng bagong kit ang ilang aparato na makasusuri at makatutukoy ng dengue virus mula sa blood sample ng maysakit.


Pahayag ni Kristine Destura, research scientist ng Manila Health Tek, kahit isang araw pa lamang nilalagnat, maari nang itong ipa-test.

Aniya, malalaman kung positibo o negatibo sa dengue ang isang tao sa loob lamang ng isang oras.

Sa kasalukuyan, mahigit 10,000 pagamutan sa buong bansa ang mayroon nito at inaayos ng ahensiya na maging abot-kaya ang presyo ng kit para mapakinabang din ng mga barangay health center.

Facebook Comments